LOGINKanina pa dumating sa tapat ng Happiness Bar si Drake pero nanatili siya sa loob ng sasakyan. Hindi kasi niya maalis sa isipan ang eksenang naabutan niya kanina, si Kianna at ang boyfriend nito na magkayakap, pakiwari niya ay nagkaayos na ang dalawa. Kaya wala nang puwang para sa kanya sa buhay ng dalaga. Napahigpit ang hawak niya sa manibela. "Damn." Mas masakit pala kaysa sa inaakala niya. Tonight was supposed to be their family dinner. His uncle's family had just returned from abroad, and the gathering had been planned for a long time. But he had no desire to go. He couldn't bring himself to smile. He couldn't bring himself to socialize because it felt as though a heavy weight was pressing down on his chest. Bumaba siya ng sasakyan at naglakad papasok ng acoustic bar. May mangilan-ngilang customer sa loob. Payapa ang paligid, parang naroon lang ang mga tao para magrelax. Sa harap ng maliit na stage ay may acoustic band na tumutugtog ng isang mabagal at malungkot na kanta. Nap
"So tama pala ang mga nakakarating sa akin?" Sabi ng lalaking nakasandal sa gilid ng gate ng bahay nila. "P-preston?" Gulat na tanong ni Kianna. Nakita niya ang madilim na anyo nito habang nakatingin sa kanya. "Sino ang lalaking iyon? Siya ba ang ipinalit mo sa akin?" seryosong tanong nito. Hindi niya alam kung bakit hindi man lang siya nakaramdam ng pananabik nang makita ito. Kung tutuusin, dapat ay sinalubong niya ito ng yakap at halik ngunit wala siyang naramdaman. Nanibago siya sa sarili niya. "Oo." Walang gatol niyang sagot. Ganon na lamang ang panlalaki ng mga mata nito. "Ano?! Pinagtaksilan mo ako?" galit na tanong nito. Hindi man lang siya naapektuhan sa galit nito. "Pagod ako at gusto ko nang magpahinga, Preston. We'll talk about this some other time," aniya at akmang maglalakad papasok ng bahay nila nang hawakan nito ang kanyang braso. "Sagutin mo ang tanong ko! Ako ang boyfriend mo at hindi ka dapat nakikipaglandian sa iba. Bakit mo nagawa ito sa akin?" t
"Good morning. Can't wait to see you." Hindi mapuknat-puknat ang mga ngiti ni Kianna habang paulit-ulit niyang binabasa ang simpleng text message na iyon mula kay Drake. It's been a month since she hired him as her fake boyfriend. At sa mga panahong kasama niya ang binata ay napakasaya niya. Mas madalas na nga niyang hanapin ang presensya nito kaysa sa kanyang totoong nobyo. "Hanggang langit ang mga ngiti ah?" Narinig niya ang komento ni Gigi. Sumilip ito sa kanyang cubicle at may panunuksong tingin na nakatingin sa kanya. Break time nila kaya may oras silang magkuwentuhan. "Obvious ba?" nahihiyang tanong niya. Narinig niya ang mahinang pagtawa nito. "Oo. Kapag nakikita kita, kumikislap ang mga mata mo," anito. Lumapit ito sa kanya at naupo sa tabi niya. Matamis siyang ngumiti. "Nagkabalikan na ba kayo ni Preston?" tanong nito. Bigla siyang natahimik. "Success ba ang pag hire mo ng host as fake boyfriend?" Muling tanong nito. Napansin naman nito ang pananahim
"Ang ganda ng mga bituin," manghang komento ni Kianna habang nakatingala sa madilim na kalangitan. Nasa rooftop sila ng Happiness Bar. Magkatabing nakaupo sila ni Drake habang May hawak na wine glass sa kamay. Ganoon na lamang ang tuwa niya nang makakita ng falling star. Saglit siyang nanahimik at nag-wish. "Do you believe in the magic of making wishes on falling stars?" curious niyang tanong matapos siyang humiling. Masyadong tahimik ang binata kaya siya na ang bumasag sa katahimikan sa pagitan nila. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "It's just a mass of rock from space. Masyado lang exaggerated ang mga tao," komento nito. Nakalabing tumingin siya rito. "Pero aminin mo na, nakapag-wish ka na noon." aniya. Umiling ito. "Not once." "As in kahit isang beses?" hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango ito. "It's just stupidity," he said. She pouted. "Ang KJ mo naman. Alam ko rin naman na imposibleng i-grant ng falling star ang wish ko, but I'm still
"Hi!" bungad ni Drake nang datnan niya ito sa labas ng bahay nila. Nakatayo ito sa tapat ng gate habang hinihintay siya. Kianna caught her breath in secret, admiring him with equal measure. No wonder, given how stunning he looked in his silver suit, which fit him perfectly. Lalo tuloy itong naging guwapo sa paningin niya. "Hi," ganting bati niya. "Anong okasyon at bihis na bihis ka?" natatawang tanong pa niya. Ngumiti lang ang binata bagkus ay lumapit ito at masuyo siyang inalalayan. Pinagbuksan pa siya nito ng pinto ng sasakyan. May inilabas itong tela nang makasakay sila sa loob. "Para saan ito?" Takang tanong niya. "It's a surprise." sabi nito, hindi na siya nakahuma pa ng masuyo nitong takpan ng tela ang mga mata niya. "Hey, saan mo ba ako dadalhin?" tanong niya habang naka-blindfold. Nag-text ito kanina na may sorpresa raw itong ipapakita sa kanya. Sumama siya dahil sa matinding kuryosidad. Maya maya ay tumigil ang sasakyan nito. Naramdaman niya ang pagbaba
Linggo ng araw na iyon. Dahil wala silang usapan ni Drake para sa araw na iyon, nagpasya si Kianna na lumabas kasama ang matalik niyang kaibigan na si Rain. Ilang linggo na rin silang hindi nagkikita dahil pareho silang naging abala sa kani-kanilang trabaho. Kasalukuyan silang nasa isang sikat na clothing store sa loob ng mall habang namimili ng mga damit. "Ang dami mong dress," puna ni Rain habang sinusuri ang isang floral dress na hawak nito. Napangiti si Kianna. "Ikaw rin naman." Natawa ang kaibigan niya bago muling naghanap ng magugustuhang damit. Habang nag-iikot sila sa dress section, napunta ang usapan nila sa trabaho. "Sobrang busy ngayon sa kumpanya," reklamo ni Rain. "Marami pa ring empleyado ang nagre-resign." Napakunot ang noo niya. "Bakit? Hindi ba maganda ang pamamalakad ng bago ninyong presidente?" Umiling si Rain. "Hindi naman. Actually, hindi pa rin siya nagpapakita hanggang ngayon." "Talaga?" Tumango ito. "Assistant niya ang madalas na uma-a
"Nag-enjoy ka ba?" tanong ni Drake. Nakangiting sumulyap si Kianna sa binata. "Oo, nakakatuwa ang mga kaibigan mo," sagot niya. Hapon na nang magpasya silang umuwi. Nasa sasakyan na sila ng binata at binabagtas ang daan patungo sa kanyang bahay. "Really? How about my company? I mean, nag-en
“Miss!” Agad na napalingon si Kianna sa lalaking tumawag sa kanya. “Ano?!” matalim niyang sagot. Bahagyang napaatras ang lalaki, tila nagulat sa taas ng boses niya, parang handa siyang manakmal ng kahit sino. Pero wala siyang pakialam. Sira na nga ang araw niya, nadagdagan pa ng kayabangan
Samantala, pagkapasok ni Drake sa loob ng sasakyan ay agad niyang hinubad ang suot na mamahaling polo at pinalitan ng nakasabit na long sleeves. Binuksan niya ang bintana at akmang ihahagis sa basurahan ang nasirang polo nang pigilan siya ng driver niya. “Boss, sayang naman! Akin na lang po. Ta
Humahangos na bumaba ng taxi si Kianna at halos takbuhin na ang gusaling pinagtatrabahuhan niya. Lunes na lunes ay late na siya. Paano ba naman, buong gabi niyang hinintay ang pagdating ni Preston kahit isang tawag man lang o simpleng paghingi ng sorry, wala. Ni anino nito ay hindi niya nakita.







