Bitbit ang fruit basket, mabilis na lumabas ng silid si Gabriela.Grabe. Ano ba naman yon?Hindi pa rin siya makapaniwala. Muntik na niyang maabutan ang maling lalaki sa banyo. At ang mas malala pa, nahuli siyang nakatayo sa labas na parang may balak talaga siyang sumilip.This is so embarrassing.Paglabas niya ng silid, agad niyang hinanap si Rhys.“Nasaan si Rhys?”Walang sumagot. Napalingon siya sa veranda. Naroon si Theodore, tahimik na umiinom ng wine habang nakatanaw sa labas.Lihim siyang napasimangot. Ramdam na ramdam niya na hindi siya gusto ng lalaki.So what? The feeling is mutual.Hindi niya kailanman maiisip na magkakagusto siya sa katulad nitong nuknukan ng antipatiko.Oo, mahilig siya sa guwapo pero choosy din naman siya. Kung pipili siya ng makakasama habang buhay, package deal na iyon. Guwapo, mabait, maalaga at mapagmahal, katulad ni Rhys.“Nasaan si Rhys, Theodore?”Tila napilitan lamang itong sulyapan siya.“Why do you keep looking for him?” May iritasyon sa tinig
Mehr lesen