MIKYLA POV "MA, palagay niyo po kaya, nagdududa na si Arif sa akin?" tanong ko kay Mama Amor. Nandito na kami sa mall at kasalukuyan naming pinapanood ang triplets na nasa loob ng skating rink. Kitang kita ko ang tuwa sa mga mata nila habang gumagawa sila ng sarili nilang exhibition. "Noong nasa South Korea pa kami, isa sa mga libangan ng triplets ang skating. At mabuti na lang talaga at meron dito niyun sa mall na napuntahan namin ngayun "Bago na ang mukha mo, natural, hindi ka na niya makikilala." nakangiting sagot ni Mama sa akin. "Pero, kailangan mo pa ring mag-ingat, Iha! Minsan, kung hindi ka man nakilala ni Arif Fulgencio dahil bago ang mukha mo, baka mamaya, makilala ka ng puso niya." muilng wika niya Kaagad din namang napakunot noo ako. "Ma, ano po ang ibig niyong sabihin?" "Iha...nakilala ka nga ng dati mong alagang aso eh. Nag-aalala din ako baka makilala ka din ni Arif lalo na kapag palagi kayong nagkikita." seryosong sagot nya Hindi ko naman mapigilan
Mehr lesen