MIKYLA POV Kung hindi lang dahil nandito si Mama Amor, baka kanina ko pa siya binubungangaan eh. Pero syempre, hindi ko magagawa iyun. Lalo na at nandito na ang triples, nagtatakbo habang nag—uunahan sa paglapit sa kanilang ama. “Daddy!” “Daddy, good morning!” “Daddy, ako muna!” “Hindi! Ako muna ang yayakap!” Napatawa si Mama Amor habang pinapanood ang tatlo. Si Arif naman ay agad na yumuko at binuka ang mga braso nito. “Isa-isa lang,” natatawang sabi niya. “Bakit parang isang linggo ninyo akong hindi nakita?” “Miss ka namin, Daddy!” sigaw ng Blaze “Ako mas miss kita!” konra naman ni Skyler “Hindi, ako din po!” singit ng Oceana habang pilit na sumisiksik sa pagitan ng dalawa. Habang pinapanood sila, hindi ko mapigilan ang mapailing. Kay sarap tingnan ng mga bata habang tuwang tuwa na nag-uunahan sa bisig ng kanilang ama na si Arif. Kaya kahit pagod ako, hindi ko maiwasang mapangiti. Talagang ibang-iba si Arif kapag kasama ang mga anak namin. Sa labas ng
Read more