MIKYLA POV Habang nakatampisaw kami ni Arif sa malamig ng tubig ay walang pagsidlan ang tuwa na nararamdaman ng puso ko' Ang makasama siya sa ganito kagandang lugar ay isang malaking bonus sa buhay ko. At sana, sana, wala nang katapusan ang lahat. Pero, hindi eh...alam kong imposible na lahat ng gusto ko ay masusunod. Dahil ang lahat ay may katapusan talaga dahil pagkalipas lang ng ilang oras na pagbababad, niyaya na ako ni Arif na bumalik na ng rest house. Bitin pero ano ang magagawa namin? Parang ay bilis kasi talaga ng paglipas ng oras kapag kasama mo ang ang taong gusto mong makasama. Siguro, babawi na lang kami sa mga susunod na mga araw. And of course, sa mga araw na iyun, dapat kasama na ang triplets. ****************** Kinabukasan, maaga kaming bumiyahe ni Arif pabalik ng Manila. Sa pagkakataon na ito, hindi na kami sumakay ng bigbike niya. Medyo nakakapagod kasi ang biyaheng ganooon eh. Isa pa, sa kondisyon at pagod na nararamdaman ko, hindi ko yata kayang
Read more