MIKYLA POV "UMALIS ka na nga! Kapag na-late ang mga anak ko sa school, lagot ka talaga sa akin!" yamot kong sabi kay Arif."Correction, mga anak natin, wifey," nakangisi niyang sagot."Tsk. Whatever! Alis na. Matutulog na ako," mabilis kong sagot bago ako humiga sa kama.Para masiguradong hindi na niya ako kukulitin, agad akong nagtalukbong ng kumot. Malinaw naman siguro ang mensaheng gusto kong iparating—ayoko nang makipag-usap at gusto ko nang matulog.Kaya lang, si Arif ay si Arif pa rin. Parang wala lang sa kanya ang pagtatakip ko ng kumot sa sarili ko. Ilang segundo lang ang lumipas ay marahan niyang hinawi ang kumot na nakatakip sa mukha ko.Pagmulat ko, bumungad agad sa akin ang nakangisi niyang mukha."Ano na naman?" iritang tanong ko.Wala siyang isinagot. Sa halip, yumuko siya at mabilis akong hinalikan sa labi.Napakurap ako dahil sa gulat."Hmm... sleep well, wifey. See you later," mahina niyang bulong.At pagkatapos noon, para bang wala siyang ginawang kalokohan, tumal
Read more