MIKYLA POV ABALA ako sa paghahalo ng tatlong tasang kape nang maramdaman ko ang biglang pagyakap ng kung sino mula sa likuran ko. Nang ibaling ko ang aking tingin, doon ko nakita ang nakangiti at ngayon ko lang din napansin na pagod na mukha ni Arif "Hey...." malambing kong wika. "Ano iyan? Kape? Tamang tama...halos maubos na ako sa dami ng mga nangyari." mahina niyang sambit "I know, pero hindi solusyon ang kape sa pagod na katawan. I think, kailangan mo na munang magpahinga kahit saglit lang" seryoso kong sagot sa kanya "Yeah, I think, I need rest. Kahit na saglit lang." sagot niya sa akin sabay hikab. Napatitig tuloy ako sa kape na nasa harapan ko Haysst, mukhang masasayang yata eh. Ganoon pa man, kung may time naman na matulog si Arif, mas maigi. Kaysa naman sa uminom siya ng kape. Actually, akala ko talaga, aalis din sila kaagad ni Tito Nathan kaya bigla akong napatempla ng kape. Pero, mali pala ang prediction ko. "Ang DAddy mo, nasa kwarto pa rin ba ng triplets
Read more