Chapter 60Sydney’s POV“Dumating na ang nagagandahan at nagpopogiang pamilya,” bati ni Allan sa amin.Sa kabila ng mga problema ay naririto pa rin siya para sa amin.Parang walang nangyari.Parang ordinaryong araw lang.At iyon ang isa sa mga bagay na gusto ko kay Allan.Kahit gaano kabigat ang problema, marunong siyang magpatawa.“Anong pagkain, Allan?”“Siyempre, siyempre yung masarap.”“Arrozcaldo.”“Eksakto sa malamig na panahon.”“Ay bakit hindi goto?” pagbibiro ko pa.“Naku naman, Sydney, malala na nga ang gout ko eh, pakakainin mo pa ako ng lamang loob,” reklamo pa niya.Natawa na lamang ako sa kanya.“Pahiram nga ng inaanak ko.”Tuwang-tuwa sa kanya si Markus Jade.Para kasi itong nakakakita ng clown kapag andyan si Allan.Nakangiti si Markus Jade habang nakatingin kay Allan. Para bang alam na nito na kapag si Allan ang kasama namin, siguradong hindi magiging boring ang araw.“Nakita mo, Sydney, poging-pogi ang anak mo sa akin.”“Hello, Maja, tatandaan mo ang mukhang ito ah.”
Magbasa pa