Chapter 8Sydney’s POVMay narinig akong kuwentuhan sa bukid. “Uy, may handaan daw sa Casa Madrid. Lahat ba kayo imbitado?”tanong ng isang farmer“Oo naman, taon-taon ginagawa na iyan ni Beno, para hindi malimutan ang kanyang namayapang mga magulang at kasabay na rin ng selebrasyon ng masaganang pag-aani.“Naalala mo nung nakaraang tao, nanalo ako ng electric fan”kuwento pa ng isa“Oo nga, pagkatapos wala ka namang kuntador ng kuryente.” Nagtatawanan sila.“Ang bayan natin, nakaligtaan na ata ng gobyerno. Marami pa ring bahay ang walang sariling kuryente at tubig sa gripo,” reklamo pa ng isang farmer.“Oo nga at balibalita ko sa bulsa ni Mayor napupunta ang mga pera.”sabi pa nila“Kuya, kuya, kailan po iyang party?” tanong ko.Bukas na.“Maganda na makapunta ka doon. May sayawan at kantahan. Madalas ay nagpapalaro si Beno, tapos may mga regalo kang matatanggap,”masayang kuwento nila.“Party? Nagpa-party din pala ang mga taga-rito. Paano kaya iyon?” na-curious kong tanong sa sari
Read more