Jhen “Nawala lang ako mayroon na agad lumalandi sa boyfriend ko," bubulong-bulong na saad ni Aiko, pero halata naman sinasadya nito lakasan ang boses niya dahil narinig ko iyon at malinaw pa. “Excuse me?” salubong ang kilay na tugon ko sa kaniya. Kahit naman parinig niya lang iyon alam ko para sa akin iyong sinasabi ni Aiko. “Ah, nandito ka pala? Iba talaga kapag guilty dahil malakas ang pandinig,” sabi pa nito halos gusto na akong sabunutan. “Ikaw nga nandito rin e, hindi ka naman kasama sa mga production staff. I'm sure si Direk lang ang invited singit ka lang,” nauurat kong sagot sa kaniya. Namula ang mukha dahil napahiya. Kaya lang wala nga pala ito hiya dahil anong sabihin dito hindi ito tatablan ugali nila iyan na mag-iina. “Ang bilis mo talagang magpa-cute kapag boyfriend ko ang lalapit sa iyo. Samantalang kapag iba, kunwaring mahinhin ka.” Agad napahigpit ang hawak ko sa aking baso dahil hindi ko gusto ang direksyon ng usapan na ito. Bwisit gagawa talaga ng ekse
Read more