NengPumirma na ako.Pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na ang basahan ng opisina tulad ko ay biglang magiging "fiancée" ng pinakakinakatakutang CEO sa buong Bangkok.Si Khun Theerak Kivatzkhi.O si Khun Thee, tawag ng lahat.Sa loob ng dalawang taon kong empleyado sa Siam Industries, iisa lang ang alam ko tungkol sa kanya: walang awa.May kwento si Khun Thee na kahit bagong empleyado lang ay alam na.Isang manager, nagkamali ng report. Kinabukasan, wala na. Hindi sinibak. Basta nawala na lang. Parang bula.Isang secretary, umiyak sa harap niya. Tinignan lang daw siya — "Are you done?" — tapos pinaalis.Isang buong team, pinalitan sa isang linggo kasi hindi na-meet ang quota. Walang second chance. Walang "pag-usapan natin."Kaya nang harapin ko siya sa opisina niya kagabi — hindi ako natakot. Hindi para sa sarili ko.Natakot ako para kay Nanay.Kasi kung ako lang — edi okay lang. Sanay na akong matapakan.Pero si Nanay... siya lang ang dahilan kung bakit lumalaban pa
最後更新 : 2026-05-11 閱讀更多