Aria's point of view Grounded daw. Unbelievable. Kakasabi lang ni Victoria kagabi na hindi ako pwedeng lumabas ng mansyon, pero heto ako ngayon, sapilitang binihisan ng isang eleganteng pink silk dress na hapit na hapit sa katawan ko. Sabi niya grounded ako, pero kapag business at ang pamilya na ng damuhong Luigi na 'yon ang usapan, biglang may pass akong lumabas. Ang kapal talaga ng apog nila. Bawat hakbang ko pababa ng grand staircase ay parang papunta sa sarili kong bitayan. Masisira lang ang gabi ko, asahan na 'yon. Fast forward sa tapat ng isang high-end, exclusive restaurant sa lungsod kung saan gaganapin ang pesteng dinner merger na 'to. "Aria, aayusin mo ang pag-upo mo mamaya, ha? Huwag mong pairalin ang pagiging asal-kalye mo sa harap ng mga Monteclaro," pabulong na banta sa akin ni Victoria bago kami pumasok sa VIP room. Tiningnan ko lang siya ng matalim na side-eye pa. Kung alam mo lang, Victoria, kung anong gin
Read more