Aria's point of view "Sige, stay here. Kukuha lang ako ng first aid kit sa kusina," sabi ko kay Roigie na kasalukuyan nang naupo sa sofa, parang siya na ang may-ari ng mansyon. Tumango lang siya, pero hindi man lang inalis ang tingin sa akin. Yung titig na 'yon, parang sinusuri pati kaluluwa ko kung may tinatago ba akong ibang agenda. "Don't take too long, little bird. Baka magbago isip ko at sa ibang paraan ko na lang sisingilin 'yang utang mo." Umirap ako sa hangin at dire-diretsong naglakad. Ulol, sa isip-isip ko. Hindi naman siguro siya magkakaroon ng rabies diba? Hindi 'yan. Baka nga kailangan niya pa ng tetanus shot, pero hindi dahil sa akin, dahil sa kakapalan ng mukha niya. Lumiko nalang ako papuntang kwarto. Pagkapasok ko sa kwarto ko, nilock ko agad ang pinto at huminga nang malalim. Humiga ako sa kama at kinuha ang phone ko. Time for the emergency meeting. Bahala muna ang ibang emergency diyan sa tabi. Tinawagan ko kaagad 'yung group chat namin na ' ❤️🔥Batang Hamog
Read more