“Ma’am Jenesis, magpahinga na po kayo, okay?” Agad na inalalayan ni Manang Ines si Jenesis para humiga sa kama. “Siguradong nagulat po kayo sa nangyari,” mahinang sabi nito, habang nagtutubig ang mga mata ng matanda.Sumandal si Jenesis sa headboard ng kama at pumikit sandali habang pilit na pinapakalma ang kanyang mabilis na paghinga.Naglakad si Manang Ines papunta sa vanity table, kinuha ang suklay, at bumalik sa tabi ni Jenesis. Dahan-dahan niyang sinuklay ang buhok ni Jenesis para ayusin ito matapos ang gulo kanina.Tahimik na ngayon sa loob ng kwarto. Silang dalawa lang ang naroon. Nagdesisyon sina Raoul, Yngrid, at Salome na tapusin ang usapan sa labas para makapagpahinga nang maayos si Jenesis.“Masakit po ba ang ulo niyo, Ma’am?” tanong ni Manang Ines nang mahina, habang marahang minamasahe ang sintido ni Jenesis. “Hayaan niyo po, imamasahi ko para hindi kayo mahilo.”Napalunok si Jenesis. “Salamat po, Manang. Pero kayo po, okay lang ba kayo? Siguradong masakit ang ulo ni
اقرأ المزيد