Tumabingi ang ulo ni Caizer sa gilid, tumigas ang kanyang panga, at naramdaman niya ang lasa ng bakal mula sa dugong lumabas sa sulok ng kanyang labi.Hingal na hingal si Iris. Nanginginig ang kanyang mga kamay dahil sa halo-halong galit, sakit, at takot."Don't you dare call my name," sabi niya nang matalim, nanginginig pero puno ng diin. "Wala kang karapatan."Lumingon nang dahan-dahan si Caizer at tiningnan si Iris. Pumikit nang bahagya ang kanyang mga mata, hindi dahil sa galit… kundi dahil sa gulat na makita ang sobrang poot sa mukha ng babae."Ano ba talaga ang tinatago mo sa akin, Cai?" mas mababa ang boses ni Iris ngayon, pero mas nakakatakot ito pakinggan. "Buntis si Jenesis. And I'm pregnant too."Natigilan si Caizer."One month," patuloy ni Iris habang hirap na lumulunok. "Isang buwan na ang tanda ng dinadala ko. So, tell me now," lumapit siya nang kaunti hanggang sa halos magdikit na ang mukha nila, "The day you slept with me, did you sleep with Jenesis, too?""Don't
اقرأ المزيد