"Sa wakas, ayos na rin ang kwarto ni Ma’am Jenesis," bulong ni Manang Ines habang nililibot ang tingin sa buong kwarto, sinusuri ang bawat sulok nang may pagmamalaki. Ngumiti siya nang malapad. "Pwede na itong tirahan simula ngayong araw.""Opo, Manang," sagot ni Mayette, isa sa mga bagong katulong na nakatayo sa tabi niya. Kanina pa hindi tumitigil ang mga mata nito sa paglilibot dahil sa curious. "Manang, sino po ba si Ma’am Jenesis?"Tumawa nang mahina si Manang Ines. "Malalaman mo rin mayamaya, May. Basta ang masasabi ko, siya ang pinakamaganda, pinakamabait, at hindi siya mayabang. Kapag nakita mo siya, malalaman mo agad."Mabilis na tumango si Mayette, sabik na sabik, hanggang sa bumukas nang dahan-dahan ang pinto ng kwarto.Lumitaw si Jenesis sa pintuan kasama si Manang Risa na hila-hila ang huling maleta.Nanlaki ang mga mata ni Mayette. Agad siyang sumang-ayon na napakaganda nga ng babae. Malambot ang mukha nito, mukhang mahinahon, at sa bawat galaw pa lang nito ay ramdam
اقرأ المزيد