“Jenesis, makinig ka muna sa akin,” pakiusap ni Raoul sa mahinahong boses.Itinaas niya ang dalawang kamay, balak sanang hawakan ang balikat ng asawa. Pero mabilis iyong iwinaksi ni Jenesis. Kumunot ang noo niya at lalo pang sumama ang timpla ng mukha.Napabuntong-hininga si Raoul. Halatang pinipigilan niya ang sariling kabahan.“Everything has an explanation. Kaya kong ipaliwanag lahat. But please, listen to me first, okay?”“Hindi, Kuya,” reklamo ni Jenesis, halatang naiinis. “Galit na ako.”“Jenesis,” mas lalong hinaan ni Raoul ang boses. Halos nakikiusap na siya. “I promise, sasabihin ko sa 'yo. But please, huwag ka munang magalit. Huwag ka munang mag-isip ng kung ano-ano.”Seryoso ang mukha ni Raoul. Halata ring may kaunting panic sa mga mata niya.Pero ang dating nakasimangot na si Jenesis ay biglang napangiti nang makita ang reaksyon ng asawa.“Ayan, ganyan,” sabi niya nang relaxed. “Kasi gusto ko na ipa-customize yung mga pangalan ng mga anak natin sa mga damit na binil
Read more