“Good morning, Daddy,” bati ni Rayan sa pinakamalakas na boses sa kanilang lahat. Agad na lumiwanag ang mukha niya nang makita niyang sumama si Raoul sa breakfast table.“Morning, anak,” maikling sagot ni Raoul habang hinihila ang upuan at nauupo.Patag pa rin ang boses niya, pero sapat na iyon para mapangiti nang proud si Rayan.Napatingin ito sa katabi niyang si Riven. Wala man lang reaksyon ang nakatatandang kambal. Tahimik lang itong kumakain at patuloy na nagsusubo ng breakfast, gaya ng dati nitong kalmadong kilos.Maayos nang nakasuot ang tatlong bata ng kanilang uniform mula sa Lumina Kids Academy. Sky blue ang kulay, malinis at mukhang mamahalin. Kahit hindi nila sinasadya, malinaw na ipinapakita ng uniform ang estado ng kanilang pamilya.“Oh, yeah, Dad,” biglang sabi ni Rayan habang marahang tinatapik ang braso ng kapatid. “Where do you think Rheana studies? Baka naman, same school pala kami.”“Bakit hindi mo na lang tinanong kahapon?” singit ni Bernice, na maayos na nak
Read more