“Daddy, kailan ka uuwi?” tanong ni Rheana nang gabing iyon. Mahina ang boses niya, pero ramdam ang pag-asang gusto niyang marinig ang sagot ng kanyang ama.Marahang bumuntong-hininga si Raoul. Iniabot niya ang kamay at mapagmahal na hinaplos ang tuktok ng ulo ng kanyang anak.“I don't know yet, anak. Kapag pinayagan na ako ng doktor, uuwi agad si Daddy, okay?”“Tapos... bakit mo naman natanong ’yan?” dagdag niya, bahagyang ikiniling ang ulo. “Ayaw mo ba dito sa hospital?”Dahan-dahang umiling si Rheana.“Hindi... pero ayaw ni Rheana na nakikita si Daddy na may sakit.”Sumikip ang dibdib ni Raoul sa simpleng sinabi ng kanyang anak.“Eh kumakain naman si Daddy ng gulay at prutas, tulad nina Rheana, Kuya Riven, at Kuya Rayan,” inosenteng pagpapatuloy ni Rheana. “Pero bakit si Daddy lagi ang may sakit? Kami naman hindi.”Saglit na natahimik si Raoul habang pinipigilan ang kung anong gustong umakyat sa kanyang lalamunan.“There are many reasons why people get sick, anak. It's not a
Leer más