“Why didn’t Rheana join the lesson?” tanong ni Rayan nang matapos ang pag-aaral nila. Napalingon siya sa kuya niyang abala sa pag-aayos ng mga libro nito at paglalagay sa bag.“Maybe she’s not feeling well,” kalmadong sagot ni Riven, kahit may halatang pag-aalala sa mga mata niya. “Come on, let’s check on her. We’ll see for ourselves.”Mabilis na tumango si Rayan. Sabay silang nagmadaling umakyat sa second floor. Magaan ang mga hakbang nila, pero kapwa curious kung ano ang nangyari sa kapatid nila.Pagdating nila sa harap ng kuwarto ni Rheana, bahagyang nakabukas ang pinto. Dahan-dahang itinulak iyon ni Riven.Sa ibabaw ng kama, nakita nila si Rheana na nakakulot ang katawan habang mahigpit na yakap ang unan. Maputla ang maliit niyang mukha, at may mga bakas pa ng tuyong luha sa pisngi niya. Malinaw na matagal siyang umiyak nang mag-isa.Agad lumapit si Rayan at idinikit ang likod ng kamay niya sa noo ng kapatid.“She doesn’t have a fever, Kuya,” mahina niyang sabi.Napabuntong-
더 보기