“Kamusta ang kondisyon ng manugang ko, Doc?” tanong ni Salome matapos suriin ng OB-GYN na ipinatawag niya si Karina.Hindi agad sumagot ang doctor. Inalis muna nito ang stethoscope sa mga tainga at mahinahong isinabit iyon sa leeg.“Overall, okay naman ang kondisyon niya,” sa wakas ay sagot ng doctor. “Wala akong nakikitang anumang nakakabahalang sintomas. Pagod lang siya at medyo na-stress. Kaya hindi ninyo kailangang masyadong mag-alala, Ma’am.”Mabagal na tumango si Salome, kahit nanatili ang pag-aalala sa mga mata niya.“Okay, Doc. Thank you.”Magalang na ngumiti ang doctor habang inaayos ang medical bag nito.“Kung gano’n, aalis na po muna ako.”“Mag-ingat po kayo sa daan, Doc,” sagot ni Salome.Bumukas sandali ang pinto ng kuwarto bago muling sumara.Sa labas, hindi kalayuan doon ay nakatayo sina Iris at Jenesis. Pareho silang tahimik, pero malinaw nilang narinig ang bawat salitang nanggaling sa loob.Walang seryosong nangyari. Dapat ay nakagaan iyon ng loob.Pero hind
Read more