Silid.Tahimik ang silid, masyadong tahimik para sa isang lugar na dapat ay puno ng kapangyarihan. Ang makapal na kurtina ay bahagyang sumasayaw sa ihip ng hangin mula sa bahagyang bukas na bintana, habang ang malamig na ilaw ng lungsod sa labas ay pumapasok at humahalo sa dilim ng loob.Nakatayo si Joaquin Araniego sa tabi ng bintana, hawak ang cellphone sa isang kamay at ang sigarilyo sa kabila. Mababa ang kanyang boses habang kausap ang kabilang linya, kontrolado, diretso, at walang kahit katiting na emosyon.Sa likod niya, tahimik na nakatayo si Clara Reyes.Hindi siya nagsasalita.Hindi siya gumagalaw.Ngunit ang kanyang mga mata, nakapako lamang sa likod ng lalaki.Habang bahagyang lumilingon si Joaquin upang sindihan ang sigarilyo, gumalaw ang tela ng kanyang polo, at sa isang iglap, bahagyang nahulma ang linya ng kanyang mga kalamnan. Ito ay matigas, malamig, at tila kayang durugin ang kahit sinong lalapit nang walang pahintulot.Napalunok si Clara.This man… he’s dangerous.N
続きを読む