Ang pribadong hardin ng mga Delgado ay ginawang isang elegante at napakagandang venue para sa selebrasyon. Napuno ito ng mga dekorasyong puti at ginto, habang sa gilid ay nakatayo ang isang malaking backdrop na may nakasulat na, "Boy or Girl?", katabi ang isang napakalaking balloon box na naghihintay sa pinakahihintay na gender reveal. Unlike the grand events hosted by influential families, this celebration was intentionally kept intimate. Only the people closest to Alejandro and Karolina were there. Present sa selebrasyon sina Doña Emilia, Mommy Beck, Jane, Aldous, Romano, at ang pinakamalalapit na kaibigan ni Alejandro—sina Riot, Roman De Luca, Sebastian Laurent, Tobias Kane, Roman Vincent Castellano, at Silas Moril Moretti, na minsan na ring nakilala ni Karolina noon. Habang nagkukuwentuhan ang lahat, hindi maiwasang mapangiti ni Karolina. Hindi niya akalaing mararanasan niya ang ganitong klaseng selebrasyon. Noong ipinagbubuntis niya sina Ely at Jed, walang gender reve
Read more