Nakauwi na sila, tahimik ang mansyon. Pero hindi ito yung klaseng tahimik na nakakarelax. Iba iyon, mabigat. Parang lahat ng dingding may bitbit na nangyari kanina. Sa loob ng master bedroom, mahina ang ilaw. Nakaupo si Alejandro sa gilid ng kama. His suit jacket was off, his long-sleeved shirt collar slightly open, and there was a small cut on his forehead that Karolina was carefully and gently cleaning. “Hold still,” mahinang sabi ni Karolina. “I am holding still,” sagot ni Alejandro. “Liar.” Hindi sumagot si Alejandro. Sa halip, pinagmamasdan lang niya si Karolina habang inaasikaso siya nito. Parang kahit may sugat siya, mas aware siya sa bawat galaw nito kaysa sa sarili niyang kondisyon. Samantala, tahimik si Mochi sa gilid ng kama, nakahiga at pagod na pagod sa nangyari kanina. Paminsan-minsan, umiingit siya. Parang na-trauma din. “Hindi mo kailangan gawin lahat ‘to,” sabi ni Alejandro. “Hindi mo rin kailangan magpanggap na okay ka,” sagot ni Karolina. Sandaling tumahim
더 보기