Kinaumagahan, nagising si Kaia na nakahanda na ang anak niya sa pagpasok kaya naman nagmamadali siyang nag-asikaso para makasama sa paghahatid sa eskwela. Tutal ay alas-nuwebe pa ang pasok nito sa school at alas-otso pa lang iyon ng umaga."Good morning, Mommy. Ready na po ako for school," nakangiting bungad ni Kairo nang salubungin siya nito at halikan sa pisngi. Balak sana niyang magtimpla ng gatas para kahit paano ay may laman ang kanyang tiyan bago umalis.Niyakap ni Kaia ang anak at saka hinalikan ito sa pisngi. "Good morning, baby. You look handsome!" masayang wika naman niya sa anak."Thank you po, Mommy. Excited na po ako for school," anang bata na bibong-bibo habang ipinagmamalaki ang postura nito.Marahang hinaplos ni Kaia ang buhok ng anak at saka ngumiti nang matamis. "Do well in school, okay? Because Mommy has a surprise for you," saad ni Kaia sa paslit na ikinangiti naman nito nang malapad."Promise po, Mommy! I'll behave also," ani Kairo na parang nangingislap pa ang mg
Read more