NANG matapos ang tawag ay muling binalingan ng tingin ni Caelum si Mang Andoy. Ang matanda ay matagal na nilang family driver simula pa noong bata pa siya. Masasabi pa nga niyang mas malapit siya rito kaysa sa sarili niyang ama. Sa katunayan, gusto nga niyang kunin si Mang Andoy at ang pamilya nito para doon sa El Nido manirahan subalit ayaw nito dahil wala raw makakasama ang kanyang daddy. "Simula noong mamatay ang mommy mo at maging nobya mo si Ame... Sino nga ba 'yon, hijo?" tanong sa kanya ni Mang Andoy habang focus sa daan at nagmamaneho. "Amethyst," sagot niya sa matanda na natatawa. "Iyon nga, si Amethyst pala," ani Mang Andoy. "Ngayon lang kita nakita na ganyan kaganda ang ngiti," dagdag pa ng matanda. "Pakakasalan ko siya, Mang Andoy, sa ayaw at gusto ni Daddy. Besides, magkaka-baby na kami at ayaw kong lalaki siyang walang kinikilalang ama," seryosong sagot naman ni Caelum. "Natutuwa ako para sa'yo, hijo. Hindi na ikaw ang batang iyakin na laging nakabuntot kay Ma'
Magbasa pa