♡♡♡MATAPOS ang ilan pang shots, natapos din ang naturang pictorial. Kaya hayun sila ng kanyang anak sa lobby ng two-storey photo studio at nagpapahinga. Tapos na rin silang magpalit ng damit at naghihintay na lang ng susunod na instruction ni Caelum.Mayamaya pa'y namataan ni Kaia na patungo na sa kinaroroonan nilang mag-ina si Caelum. At nang magsalubong ang kanilang mga mata, kaagad tumahip ang kanyang dibdib. Kaya naman siya na rin ang unang nagbawi ng tingin at mabilis na tumayo para salubungin ito.Nang makalapit si Caelum ay bahagya siyang ngumiti, bagaman muli na namang tumatambol ang kanyang puso habang kaharap ito."How are you, lil' boy? Are you hungry?" nakangiting tanong ni Caelum sa kanyang anak, kasabay ng mahinang pagpisil sa pisngi nito."Yes po, Tito Caelum. I want to eat na po," anang Kairo."All right, kiddo. Tito Caelum will buy food and then we will have lunch together. Is it okay?" nakangiting saad nito sa paslit."Okay po, Tito Caelum."Samantala, lihim namang
اقرأ المزيد