ANO ba naman kasi ang nangyari sa'yo Kaia at nakalimutan mong narito rin ang CEO? pipi niyang sermon sa sarili. Nakakahiya!"No po, Tito. Nagpi-play lang po ako nito po," anang Kairo sabay taas ng seashell na hawak-hawak nito at ipinakita sa kaharap.Muli namang itinuon ni Kaia ang atensyon sa dalawa nang marinig ang tinig ng anak, at pansamantalang iwinaglit ang iniisip. Pinanood niya ang dalawa na tila mag-ama kung pagmamasdan."Oh! That's a lovely seashell, baby!" nakangiting bulalas ni Cassian sa musmos. "Where did you find that?""I found it on the beach po, while I was with Tito Caelum," ngiting-ngiti namang sagot ni Kairo.Napansin ni Kaia na natigilan ang CEO nang marinig ang pangalan ng nakatatandang kapatid. Hindi ito umimik, ngunit mayamaya ay ngumiti rin."I see," tumatango-tango namang tugon nito. "Okay baby, mag-play ka muna?" dagdag pa nito. "Me and your mom will talk. Is it okay?"Mabilis namang tumango ang musmos bilang sagot. Matapos niyon ay kaagad bumaling kay Kaia
Read more