"Do you know her, son?" balik-tanong naman ng ginang. Son? Ang sopistikada at eleganteng ginang palang ito ang ina ng kanilang CEO. Lihim tuloy niyang pinasadahan ng tingin ang ginang subalit malayo ang pagkakahawig nito sa kanilang CEO. Maganda ito subalit may matapang itong anyo dahil sa mga mata nitong tila laging naniningkit. Manipis din ang kilay ng ginang at laging nakataas. Samantalang si Cassian naman ay may maamong mukha na para bang laging nakangiti. Kung si Caelum naman ang pagbabasehan niya ng itsura, malayong-malayo rin ang mga ito. Bukod pa roon, alam niyang stepmother lang ito ng binata. Napagtanto tuloy niyang marahil ay sa ama nito nagmana ang mga ito. "Yes, Mom. She's my visitor," sagot muli ni Cassian. "Come in, Kaia," pagtawag pa nitong muli sa kanya. "Y-Yes, Sir Cassian," nag-aatubili namang sagot niya matapos ay ngumiti nang alanganin sa ginang. "Excuse me, Ma'am. Can I come in?" magalang pa niyang tanong sa babae kahit medyo kinakabahan. Nakasimang
اقرأ المزيد