MATAPOS matanggap ni Kaia ang sulat na iyon, kung anu-anong katanungan na ang naglalaro sa kanyang isipan.Sino kaya ang nagpadala niyon? Ang chairman ba ng C&C Corporation na si Caelum? Ang lalaki lang naman kasi ang kanyang nakaalitan noong nakaraang gabi.Pero bakit inisyal na “C” ang nakasulat na pangalan ng sender niyon, kapareho ng inisyal ng kanyang misteryosong secret admirer? Maaari kayang iisa lang ang mga ito?Ayaw niyang mag-assume na maaaring kay Caelum nga nanggaling iyon. Dahil unang-una, mainit ang dugo ng lalaki sa kaniya. Patunay niyon ay ang ilang beses na nitong pag-aakusa sa kaniya bilang iresponsableng ina.Pangalawa, for her, hindi ang ‘tulad nito ang gagawa ng ganoong bagay. Si Caelum ay ang tipo ng lalaki na pinapangarap ng lahat—gwapo, mayaman, at may successful career. Ito ang hinahabol ng mga kababaihan kaya bakit pa nito kailangan gumawa ng ganoong bagay?Pangatlo, sino ba siya para magustuhan nito? Isa lang siyang hamak na empleyado ng napakalaking kompan
Read more