Ikaapat pa lamang nilang araw sa Boracay, ngunit tila wala na sa mood si Mason na ipagpatuloy ang kanilang bakasyon.Maaga pa lamang ay nakaupo na siya sa gilid ng kama, hawak ang cellphone at paulit-ulit na tinitingnan ang screen. Ilang beses na niyang sinubukang tawagan si Lilith, ngunit pareho pa rin ang nangyayari. Isang ring lamang, saka mapuputol ang tawag.Hindi rin nagbabago ang mga mensaheng ipinapadala niya. Walang sagot. Walang kahit anong senyales na nababasa ng babae ang mga ito.Napahilot siya sa kaniyang sentido.“Damn it, Lilith,” bulong niya.Hindi niya maipaliwanag kung bakit ganoon na lamang ang kaniyang pagkainis at pagkabalisa. Sanay siyang palaging sumasagot si Lilith. Kahit gaano pa siya kaabala, kahit gaano pa siya katagal mag-reply, naroon lamang ang babae. Handa itong makinig, sumunod sa mga ipinapagawa niya, at ayusin ang anumang problemang kaniyang iniwan.Ngayon, apat na araw na silang walang maayos na komunikasyon.At ang mas nakakainis, hindi niya alam k
Read more