Ngunit nang muling mapatingin siya sa magulong kuwarto at maalalang ganoon din ang sala at kusina, nawala ang kaniyang ngiti.Hindi niya matanggap ang kalat.Alam niyang hindi ganoon si Lilith. Malinis sa bahay ang babae. Kahit hindi niya ito utusan, kusang inaayos nito ang lahat. Hindi nito hahayaang umabot sa ganoong kondisyon ang kanilang unit.“She's doing this on purpose,” iritado niyang sabi.Sa kaniyang isip, sinasadya ni Lilith na iwan ang unit na ganoon upang mainis siya. Isa itong paraan ng babae para iparamdam na galit ito sa kaniya.At kung iyon nga ang balak nito, nagtagumpay ito.“Fine. Kung gusto niyang mag-inarte, pagbigyan ko muna.”Umupo siya sa gilid ng kama at muling kinuha ang kaniyang cellphone. Sinubukan niyang tawagan si Lilith, ngunit gaya ng dati, hindi pa rin ito makontak.Napabuntong-hininga siya.“Where are you, Lilith?”Makalipas ang halos isang oras, habang nakaupo si Mason sa sala at iniisip kung saan siya magsisimula sa paglilinis, biglang nag-ring ang
Read more