Hindi pa ako tuluyang nakakarating sa parking area nang makarinig ako ng nagmamadaling mga yabag sa aking likuran.“LILITH!”Napapikit ako sandali.'Mukhang hindi pa talaga tapos ang araw ko.'Paglingon ko, nakita ko sina Layla, Nyx, at Dexie na mabilis na papalapit sa akin. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ng mga ito at tila ba handa silang manugod sa gitna ng parking area.Ngunit bago pa sila tuluyang makalapit, agad na humarang ang dalawang security guard ng mall.“Ma'am, please calm down,” mariing sabi ng isa sa mga ito.“Get out of my way!” sigaw ni Layla. “I need to talk to her!”“Ma'am, you cannot approach her like that.”“Do you even know who I am?”Napabuntong-hininga ako. Muli na namang nagsimula ang kaniyang palabas.“It's okay,” sabi ko sa mga guard. “Nairirinig ko naman siya mula rito.”Bahagyang tumabi ang isa sa kanila, ngunit nanatili silang nakaharang sa pagitan namin.Nakatayo ako sa tabi ng sasakyan ng aming pamilya, hawak ang aking shopping bag. Hindi ko
Read more