Sa wakas, dumating na rin ang araw na matagal naming pinaghandaan.Mula pa noong unang pag-uusap namin tungkol sa gala, halos araw-araw ay may bagong detalye kaming kailangang asikasuhin. Ang listahan ng mga panauhin, mga imbitasyon, dekorasyon, seguridad, programa, mga negosyanteng nais magharap ng kanilang proposal, at maging ang mga kumpanyang nangangailangan ng pagkakataong makabangon ay pinagtuunan ng pansin.Hindi lamang ito isang simpleng pagtitipon ng mayayaman at makapangyarihang pamilya. Isa itong mahalagang gabi para sa Estrella Group. Ito ang gabing opisyal akong ipakikilala sa mga business partners, investors, at iba pang personalidad bilang susunod na Donna Estrella.At ngayon, narito na kami.Nasa loob ako ng penthouse suite ng hotel na pag-aari ng isa sa aming mga business partners. Dito kami naghanda kasama sina Jared, Astrid, at Estelle. Ang buong palapag ay nakalaan para sa aming pamilya at sa ilang piling panauhing kailangang maghanda bago ang programa.Nakaupo ako
Read more