“Wala. "“Don't tell me you know the organizers,” ani Denver.Tiningnan ko siya. “Bakit? Bawal ba?”“Hindi ka naman kilala rito,” sagot niya. “Paano mo maiimpluwensiyahan ang guest list?”“Maraming bagay ang hindi mo alam, Denver.”“Please,” singit ni Layla. “Huwag mong palabasin na may koneksiyon ka sa pamilyang Estrella. Alam naman naming wala kang pamilya.”Tahimik akong tumingin sa kaniya. May ilang panauhing malapit sa amin ang napalingon, ngunit hindi ko sila sinita at hindi ko rin binago ang ekspresyon ko.“Wala akong pamilyang alam mo,” mahinahon kong sagot. “Magkaiba iyon.”“Same thing,” sabi ni Layla. “Isa ka pa ring ulila na gustong umakyat sa tuktok.”“Kung iyan ang gusto mong paniwalaan, sige.”“Hindi ka ba nahihiya?” tanong ni Nyx. “Pumunta ka rito nang walang kasama, tapos nagpapanggap kang may koneksiyon. Anong balak mo? Maghanap ng mayamang lalaki na puwedeng kumupkop sa iyo?”“Nyx,” mahinang sabi ni Mason, ngunit hindi naman niya pinatigil ang babae.Ngumiti ako. “Ma
Read more