“Come here, sweetheart.”Agad akong lumapit at niyakap siya. “Papa…”“Look at you,” nakangiting sabi niya. “Iba talaga ang ningning ng anak ko kapag opisyal nang ipinakikilala sa lahat.”“Papa naman, parang kanina lang magkasama tayo sa bahay.”“Iba pa rin ito,” biro niya. “Hindi ba puwedeng purihin ang sarili kong anak sa harap ng buong mundo?”“Puwede naman po.”“Then let me say it again. You look beautiful, and I'm very proud of you.”Hinalikan niya ang noo ko bago marahang hinaplos ang aking buhok. “Sa wakas, pormal at legal nang alam ng lahat kung sino ang nag-iisang prinsesa namin. Tandaan mo, sa anumang responsibilidad na haharapin mo simula ngayong gabi, hindi ka nag-iisa. Nandito kami.”Tumango ako. “Thank you, Papa.”Sumunod na lumapit si Donna Yvaine at niyakap ako nang buong pagmamahal.“Welcome to the public eye officially, sweetheart,” nakangiti niyang sabi. “Although, para sa amin, matagal ka nang bahagi ng pamilya namin.”“Thank you, Mom.”Bahagya siyang tumawa at sumu
Read more