Dahil sa natanggap na security alert, agad na inutusan ni Brooklyn ang isa sa kaniyang mga tauhan na nasa convoy. "Tawagan mo ang magkapatid na Cortez," seryoso niyang utos. "Sabihin mong huwag na muna silang tumuloy sa Villareal Vacation House." "May problema lang sa bahay. Iyon lang ang sabihin mo." "Yes, sir." Samantala, sa loob ng sasakyan ng magkapatid na Cortez... Napansin ni Angela ang isa sa mga sasakyan ng convoy na papalapit sa kanila. "Oh, Kuya." Napangiti siya. "Mukhang may gustong iparating si Brooklyn." Sinulyapan siya ng kaniyang kapatid ngunit hindi nagsalita. "Sabi ko na nga ba... hindi pa rin niya ako kayang pabayaan," nakangiting sambit ni Angela bago sinagot ang tawag. "Hello?" "Good day, Ma'am Angela," magalang na sabi ng tauhan ni Brooklyn. "Pasensya na po, pero ipinapasabi ni Mr. Villareal na huwag na muna kayong dumiretso sa Villareal Vacation House. May konting problemang kailangang ayusin doon. Inihanda na po ang ibang vacation house para sa inyo. H
閱讀更多