Makalipas ang ilang minuto... Huminto ang itim na sasakyan sa harap ng ospital. Hindi na hinintay ni Brooklyn na pagbuksan pa siya ng pinto. Agad siyang bumaba at mabilis na naglakad papasok sa emergency wing. Kasunod niya sina Vera, Yannah, at Velma. Pagdating nila sa ikatlong palapag, sinalubong sila ng isang doktor. Halata sa mukha nito ang pagod at pag-aalala. "Sinong kaanak ni Mr. Draven Villareal?" tanong ng doktor. "Ako ang ama niya," agad na sagot ni Brooklyn. Tumango ang doktor. "Pasensya na po, pero kritikal pa rin ang kondisyon ng pasyente. Nagkaroon siya ng matinding pinsala sa ulo at nagkaroon din ng internal bleeding. Nagawa na po namin ang lahat ng kinakailangang procedure, pero..." Huminto ito sandali. "Ang katawan na lang po niya ang lumalaban." Napabuntong-hininga si Vera habang napahawak sa dibdib. Samantala, sa kabilang dulo ng hallway, nakaupo si Hanna. Namumugto ang mga mata nito sa kakaiyak. Nang makita niya sina Brooklyn at Vera, dahan-dahan siyang
더 보기