Patuloy na umalingawngaw ang busina ng sasakyang nasa labas ng vacation house. Beeeep! Beeeep! Nagkatinginan ang mga tauhan ni Brooklyn. “Sir... mukhang sila nga po ang nasa labas,” maingat na saad ng isa sa kanila. Ngunit nanatiling kalmado si Brooklyn. Karga niya si Yannah habang nakatanaw lamang sa direksyon ng gate. “Hayaan n'yo muna silang bumusina,” mahinahon niyang utos. “Walang magbubukas ng gate hangga't hindi ko sinasabi.” “Yes, Sir.” Pagkatapos ay ibinaba niya si Yannah at marahang hinaplos ang buhok nito. “Princess...” “Opo, Daddy?” “Pwede mo bang puntahan ang Mommy mo?” Tumango agad ang bata. “Gisingin mo siya nang dahan-dahan, okay?” “Opo.” “Kapag nagising na siya, sabihin mo na may kailangan lang akong asikasuhin sa bisitang dumating.” Bahagyang ngumiti si Brooklyn upang hindi mabahala ang anak. “Sabihin mo rin na babalik ako agad.” “Opo, Daddy!” Masiglang tumango si Yannah. Bago tumakbo papunta sa tent, huminto muna siya at mul
Magbasa pa