Habang nasa biyahe sila pauwi, nabalot ng mabigat na katahimikan ang loob ng sasakyan. Nakatitig lamang si Brooklyn sa bintana, ngunit wala naman talaga siyang nakikita. Magulo ang isip niya. Paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa repleksyon ni Draven sa salamin, ngunit mabilis din niyang iniiwas ang tingin."Driver, ihatid mo muna kami sa hospital, pagkatapos saka mo ihatid si Draven sa mansion," mahinahon ngunit mabigat na utos ni Brooklyn."Opo, sir," magalang na tugon ng driver.Makalipas ang ilang minuto, dahan-dahang huminto ang sasakyan sa tapat ng hospital.Napabuntong-hininga si Brooklyn bago niya nilingon ang anak."Draven,gusto mo bang magpatingin muna sa Doctor bago ka umuwi ng Mansion?”... gusto mo bang sumama sa loob ng hospital?" maingat niyang tanong. Halata sa boses niya ang pag-aalala.Agad namang umiling si Draven."Hindi na, Papa," mahina niyang sagot. "Ayoko nang pumasok sa hospital... hindi ko na kakayanin. Dito na lang ako sa sasakyan."Kasabay niyon ay isinanda
اقرأ المزيد