Tahimik ang buong biyahe pagkatapos noon, pero napakabigat ng tensyon sa loob ng sasakyan. Pilit na tumitingin si Yannah sa mga gusaling nadadaanan nila, pero paminsan-minsan ay pasimple niyang nasusulyapan si Luxer sa kaniyang tabi. Nakasandal ito sa upuan, nakapikit ang mga mata habang bahagyang nakakunot ang noo, halatang pagod din sa biyahe ngunit napakalakas pa rin ng karisma."Tinititigan mo na naman ako," biglang salita ni Luxer nang hindi man lang idinidilat ang kaniyang mga mata.Mabilis na napaiwas ng tingin si Yannah at halos mapatalon sa gulat. "A-ano?! Pinagsasabi mo diyan! Asa ka naman, nakatingin lang ako sa labas!"Bahagyang lumabi ang labi ni Luxer sa isang patagong ngiti bago dahan-dahang idinilat ang kaniyang mga mata. "Matagal pa ang biyahe. Kung gusto mo akong titigan nang malapitan, sabihin mo lang. Hindi mo kailangang mag-alangan.""Kapal talaga!" inis na bulong ni Yannah habang umiiling-iling. "Napakayabang mo na talaga mula nang magkaroon ka ng muscle.”B
اقرأ المزيد