Kalmadong tumindig si Carissa mula sa kinauupuan at marahang nagpaalam sa kanyang lola bago tuluyang pumanhik sa kanyang silid. Bagama’t kalmado ang kilos niya, bahagya pa ring mababakas sa kanyang mukha ang pagod at tensiyon na dulot ng mga nangyayari nitong mga nakaraang araw.“Lola, aakyat na po ako. Tutal, may nagbabantay na sa mga kilos ni Luxer, kalmado na akong makakapag-relax sa taas bago sumapit ang kasal namin,” mahinahon niyang sambit, kasabay ng isang maliit na ngiti.“Sige, iha. Huwag kang mag-alala,” sagot ng kanyang grandmother habang pinagmamasdan siyang tumalikod.Ngunit nang tuluyang makalayo si Carissa at magsimulang umakyat sa hagdan, unti-unting nagbago ang ekspresyon ng matanda. Nawala ang lambing sa kanyang mga mata at napalitan iyon ng seryosong tingin.Sa isip-isip niya, Kailangan nang maitakda ang kasal nila sa lalong madaling panahon bago pa malaman ng pamilya Delgado ang kauna-unahang kasunduan ng mga Delgado at Villareal.Mariin niyang hinigpitan ang pagka
Baca selengkapnya