MasukDahil sa natanggap na security alert, agad na inutusan ni Brooklyn ang isa sa kaniyang mga tauhan na nasa convoy. "Tawagan mo ang magkapatid na Cortez," seryoso niyang utos. "Sabihin mong huwag na muna silang tumuloy sa Villareal Vacation House." "May problema lang sa bahay. Iyon lang ang sabihin mo." "Yes, sir." Samantala, sa loob ng sasakyan ng magkapatid na Cortez... Napansin ni Angela ang isa sa mga sasakyan ng convoy na papalapit sa kanila. "Oh, Kuya." Napangiti siya. "Mukhang may gustong iparating si Brooklyn." Sinulyapan siya ng kaniyang kapatid ngunit hindi nagsalita. "Sabi ko na nga ba... hindi pa rin niya ako kayang pabayaan," nakangiting sambit ni Angela bago sinagot ang tawag. "Hello?" "Good day, Ma'am Angela," magalang na sabi ng tauhan ni Brooklyn. "Pasensya na po, pero ipinapasabi ni Mr. Villareal na huwag na muna kayong dumiretso sa Villareal Vacation House. May konting problemang kailangang ayusin doon. Inihanda na po ang ibang vacation house para sa inyo. H
Mabilis niyang binuksan ang live security feed, ngunit ilang segundo lamang ay bumalik din sa normal ang sistema, na para bang walang nangyari. Kumunot ang noo ni Brooklyn. Hindi siya nakuntento sa nakita. Agad niyang binuksan ang recording ng mga CCTV na nakapalibot sa private vault. Isa-isang lumabas sa screen ang iba't ibang anggulo ng camera. Mabilis niyang ni-review ang kuha ilang minuto bago tumunog ang alarm. "Who are you..." mahina niyang bulong. Napahinto siya nang mapansing may isang taong dumaan sa pasilyo papunta sa vault. Nakasuot ito ng itim na hoodie at baseball cap na halos matakpan ang buong mukha. Ilang segundo lamang ang lumipas ay tumunog ang security alarm. Ngunit bago pa man malinaw na makunan ng camera ang mukha ng tao, bigla na lamang nagkaroon ng static ang video. Pagbalik ng kuha, wala na ang taong nakita niya. Mahigpit na napahawak si Brooklyn sa kaniyang cellphone. "Impossible..." seryoso niyang sambit. "Tanging ako lang ang may access sa vault na
Makalipas ang ilang oras na paglipad, hindi na namalayan nina Brooklyn at Yannah na nakaidlip na pala sila sa kanilang mga upuan. Tanging si Vera na lamang ang nanatiling gising, tahimik na pinagmamasdan ang paligid. Mula sa kabilang hanay ng mga upuan, paminsan-minsan ay napapatingin si Angela sa direksiyon ni Brooklyn. Hindi iyon nakaligtas sa mapanuring mga mata ni Vera. Saglit niyang sinulyapan si Angela bago ibinalik ang tingin kay Brooklyn, na mahimbing pa ring natutulog. Hindi nagtagal, nabasag ang katahimikan nang magsalita ang flight attendant sa intercom. "Ladies and gentlemen, we will be landing in the United States in approximately thirty minutes. Please return to your seats and fasten your seatbelts. Thank you." Unti-unting nagmulat ng mga mata si Brooklyn nang marinig ang anunsiyo. Napakurap siya at bahagyang iniunat ang kaniyang leeg bago sumulyap sa bintana. "Malapit na pala tayong dumating," mahina niyang sambit. Nagising din si Yannah at napahikab habang k
Makalipas ang ilang minuto... Nasa loob na silang lahat ng eroplano. Dahil first class ang kanilang mga tiket, maluwag at komportable ang kanilang mga upuan. Sa tabi ng bintana umupo si Yannah. Katabi nito si Vera. Habang sa aisle seat naman si Brooklyn. Sa kabilang hanay ay naroon sina Angela at Mr. Cortez. “Daddy...” mahinang tawag ni Yannah habang nakasilip sa bintana. “Ang laki pala ng eroplano.” Napangiti si Brooklyn. “Takot ka ba?” Umiling agad ang bata. “Hindi po... pero kinakabahan.” Marahang hinawakan ni Brooklyn ang maliit nitong kamay. “Normal lang 'yan.” “Kapag lumipad na tayo, parang nasa ulap lang tayo.” “Opo.” Nang mapansin niyang mahigpit pa rin ang hawak ni Yannah, marahan niya itong pinisil. “Relax, Princess. Nandito lang ako.” Napangiti si Yannah. Samantala, napansin ni Brooklyn na tahimik lang si Vera. “Honey.” “Hm?” “Kabado ka rin ba?” “Konti.” Napangisi siya. “Akala ko matapang ka.” “Siyempre matapang ako.”
“Paano...” Bahagyang nanginig ang boses ni Draven habang nakatitig sa DNA test result. “Paano nagawa ng sarili kong ama ang ganitong bagay?” Unti-unting namula ang kanyang mga mata. “Bakit?” Mahigpit niyang kinuyom ang mga dokumentong hawak. “Bakit?!” Sa sobrang galit, pabagsak niyang inihagis sa sahig ang buong envelope kasama ang mga dokumento. Nagkalat ang mga papeles sa buong silid. “Hindi...” mahinang bulong niya habang napapaatras. “Hindi...” Bigla niyang hinawakan ang kanyang ulo. Parang sasabog ito sa dami ng pumapasok na alaala. “Kaya pala...” “Kaya pala...” Unti-unting nagdugtong-dugtong ang lahat sa kanyang isip. “Mas kailangan kong sabihin kay Vera ang totoo.” Mariin niyang sinabi iyon habang mabigat ang paghinga. “Hindi ako papayag na maging masaya si Papa kasama si Vera.” Unti-unting tumigas ang kanyang mukha. “Sinira niya ang buhay namin.” “Kung hindi dahil sa kanya...” Napapikit siya nang mariin. “...hindi sana ako nagkamal
Samantala, sa Mansyon... Maagang nagising si Draven. Halos hindi siya nakatulog nang maayos buong gabi. Paulit-ulit na umiikot sa isip niya ang mga nangyari. Ang pagtatalo nila ni Natasha. Ang mga sinabi nito. At higit sa lahat... Sina Vera at Yannah. Pagkababa niya sa unang palapag, agad niyang nakita si Yaya Marie na abala sa pag-aayos ng almusal. “Yaya Marie,” tawag niya. Napalingon ang matanda. “O, Sir Draven. Gising na po kayo?” “Gising na ba si Papa at ang s-stepmom ko?” Bahagyang nagtaka si Yaya Marie sa tanong. “Hindi po.” “Kaninang madaling-araw pa po sila umalis.”
Makalipas ang isang linggo… Kaarawan na ni Yannah Mendoza. “Happy birthday, anak!” masayang bati ni Vera. Nakaharap si Yannah sa malaking salamin sa loob ng kanilang silid habang inaayos ang suot niyang magandang gown na espesyal na ipinabili ni Brooklyn para sa pagdiriwang ng kanyang kaarawa
“Anong nangyayari dito?” Ang dami-daming customer, nag-aagawan kayo sa iisang customer lang?!” bungad ng isang lalaking mas mataas pa ang posisyon kaysa sa manager habang nakatingin sa dalawang staff at sa manager. Napalingon din sina Vera at Yannah sa direksiyon ng boses. “Sir, ang dalawang ito
Dahan-dahang iniabot ni Savannah ang sobre kay Brooklyn. Matatag ang kanyang tindig at walang bakas ng takot sa kanyang mukha. Sa halip, tila kumpiyansa pa siyang mananalo sa gabing iyon. “Basahin mo,” malamig niyang saad. “Doon mo makikita ang katotohanan.” Tahimik na tinanggap ni Brooklyn ang s
“Hindi na iyon mangyayari dahil nagkaharap na kami ng harapan ng babaeng iyon,” muli pang sabat ni Lucita habang nakataas ang noo. Napatingin sa kanya ang ilan sa mga bisita. “Kung ganoon, Mrs. Lucita, ayos lang sa inyo na hindi na kayo ang kinikilalang asawa ni Mr. Brooklyn?” diretsahang tanong







