I had a problem. Actually, hindi ko alam kung problema ba talaga ito o isa lang sa mga bagay na hindi ko kailangang pag-isipan nang sobra. Pero kung ganoon lang kadali, bakit ilang araw ko na itong iniisip?"T,ngina, Nifa. Focus," bigo ko ng mura sa sarili.Napahawak ako sa noo ko habang nakaupo sa gilid ng court. Katatapos lang ng training namin, at habang ang ibang trainees ay abala sa pagligpit ng equipment, ako naman ay abala sa isang bagay na walang kinalaman sa volleyball.Kay Tōru sa totoo lang. Specifically, ang mukha niya. At ang ngiti niya, pati na ang paraan ng pagtawa niya kapag may sinasabi akong kalokohan.Oh, no. Hindi na talaga ito okay!Umayos ako ng upo. Hindi. Huwag nating simulan 'to.Kinuha ko ang bote ng tubig ko at uminom, umaasang baka sakaling ma-refresh ang utak ko. Unfortunately, hindi kasama sa benefits ng pag-inom ng tubig ang pagbura sa mukha ng isang pogi sa isip mo.Lalo na kung si Oikawa Tōru ang pinag-uusapan."Salazar!"Halos maibuga ko ang tubig nan
Read more