“Kei, kung mamamatay ako ngayon, ikaw ang sisisihin ko.”“Bakit ako?”“Ikaw ang pumili ng parking.”“Airport ito, Bokuto. Hindi ko kontrolado ang parking.”“Eh bakit parang isang barangay na ang nilibot natin?”Nakatayo ako sa likod nila habang hawak ang phone ko, backpack, at isang paper bag na ipinagkatiwala sa akin ni Bokuto. Hindi ko alam kung ano ang laman. Ang sabi niya, surprise. Sa experience ko sa taong iyon, hindi palaging magandang balita ang salitang iyon.“Can we please act like adults?” singit ko.Sabay silang lumingon. Si Bokuto, nakasimangot. Si Kei, mukhang matagal nang pinagsisisihan ang pagpunta.“Shane,” sabi ni Bokuto, “we are acting like adults.”“Talaga? Kasi ang nakita ko, dalawang lalaking nagtatalo tungkol sa parking slot habang ako ang may dalang gamit.”“Teamwork,” sagot niya.“Exploitation,” sabi ni Kei.Tiningnan ko ang oras sa phone ko. May ilang minuto pa bago ang inaasahang pagdating ng flight ni Nifa. Nag-message na rin ako sa kanya kanina. Landed? an
Read more