Sigurado akong ako ang sinabihan niyang ibebenta!Dahil doon ay inis akong nagmartsa palapit sa dalawa. Saka nakapameywang tumayo sa harap nila.“Ano pong sabi niyo, ibebenta?" nakataas ang isang kilay na tanong ko.Nawala ang kaninang ngisi sa mukha ni Roman at bahagyang ibinaba ang kaniyang sunglasses para tingnan ako nang maayos. Mukha siyang modelo sa tindig at porma niya, pero dahil hindi maganda sa pandinig ko ang sinabi niya kanina, mukha na tuloy siyang tuko sa paningin ko."Whoa, chill. It’s just a joke, sister," natatawang bawi ni Roman, sabay tingin kay Ymilio. "Mukhang may pangil isang ’to, ah. Girlfriend?""Watch your words, Roman. She's not just anyone," seryosong saway ni Ymilio. Ramdam ko ang awtoridad sa boses niya na agad namang ikinataas ng dalawang kamay ni Roman, tanda ng pagsuko."Okay, my bad. Standard greeting lang naman sa mga chicks mo dati," depensa pa ng lalaki bago tuluyang bumaba ng kotse. Mas nakita ko ang pagiging matipuno niya dahil sa suot niyang hapi
Magbasa pa