"A-Anong… ano ba'ng pinagsasabi mo, Rachelle?" nauutal kong tanong, pilit pinapakalma ang boses ko kahit ang totoo ay nagwawala na ang dibdib ko sa kaba at kalituhan."Ah, eh… ano kasi… wala ’yun! Kalimutan mo na 'yung sinabi ko! Madaldal lang talaga 'tong dila ko, naku, baka mapagalitan ako nina Papa," pag-iwas niya agad, pinapaypayan na ang sarili gamit ang kaniyang kamay. "Huwag mo muna isipin 'yun, okay? Masira pa ang gabi mo, eh.""Rachelle, please, anong ibig mong sabihin sa mag-asawa?" hindi ko siya tinantanan. Humakbang ako palapit lalo sa kaniya saka siya hinawakan sa braso para hindi siya makalayo. Tumingin muna siya sa mga kaibigan niya at nang makitang nasa amin na rin ang tingin nila ay hinila na niya ako palayo sa pwestong iyon. Sa isang sulok kami tumigil kung saan malayo na sa mga bisita nila. "Ganito kasi 'yun..." bumaba ang boses niya, halos bumulong na lang. "Kahapon ko lang narinig sa Papa ko ang tungkol doon. Iyon nga, balak kayong pagkasunduin ni Kuya Jace para
Magbasa pa