Share

Sagad 55

Author: ExDealers
last update publish date: 2026-06-04 22:14:32

Hindi ko alam kung bakit biglang nag-iba ang tibok ng puso ko sa simpleng sagot na iyon ni Ymilio. Future natin. Parang may kung anong humaplos sa dibdib ko na nagpatahimik sa akin buong biyahe.

Pero imbes na umuwi sa mansyon para masimulan ko na ang pagre-review, nagtaka ako nang pumasok ang SUV niya sa basement parking ng isang kilalang upscale mall.

"Hindi ba tayo uuwi para makapag-review na ako?" takang tanong ko habang tinatanggal ang seatbelt.

"We need to buy your school supplies first,"
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   Sagad 142

    Binuhat ko si Zeus at mahigpit siyang niyakap para maitago ang pangangatog ng aking labi. "Mag-iimpake na si Mommy, okay? Uuwi na tayo ng Pilipinas."Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon kong ito, pero hindi ko matatanggihan ang pamilya ko habambuhay. Kung maayos na ang lahat, marahil ay panahon na nga para harapin ang nakaraan.Pagbaba pa lang namin ng eroplano sa NAIA pagkalipas ng mahabang biyahe, agad na dinaluyong ng pamilyar na init at ingay ng Maynila ang buong sistema ko. Hawak ko sa kanang kamay si Zeus habang hila-hila naman ni Manang Maria ang iba naming mga bagahe. Kabado ang bawat hakbang ko habang papalapit kami sa arrival area."Ika! Anak ko!"Mula sa karamihan ng mga taong naghihintay, agad kong nakita si Donya Victoria na kumakaway habang umiiyak. Ngunit ang mas ikinagulat ko ay ang lalaking nakatayo sa tabi niya.Si Ymilio.Apat na taon. Mas nagka-edad ang kaniyang mukha pero ganoon pa rin, matipuno. Kung pormal na siyang tingnan noon, mas nadagdagan ito ngayon. A

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   Sagad 141

    Napatitig ako kay Don Ymael habang dahan-dahang nag-sink in sa utak ko ang kaniyang desisyon. States. Sobrang layo n'un… pero malayo din iyon sa mga gumugulo ngayon sa utak ko.“S-Sige po…” mahina pero may halong tapang kong sagot. Kahit hindi ko pa sila lubos na tanggap ni Donya, kahit balik-baliktarin man ang mundo, sila ang tunay kong mga magulang. At naniniwala ako na walang magulang na gustong ipahamak ang kanilang mga anak. Tanging ang makakabuti lang sa kanilang mga anak ang hangad nila. “Patawad po ulit, ’Nay… P-Papa… hindi na po ito mauulit,” huling sabi ko sa araw na iyon.Nakita ko ang paglambot ng ekspresyon ni Don Ymael bago niya ako yakapin ng sobrang higpit. Si Donya naman ay naiyak na lang sa tabi namin bago siya nakisama sa yakap naming mag-ama. Pagkalipas ng Apat na Taon..."Mommy! Look! I drew a big airplane!"Isang masiglang boses ang bumasag sa katahimikan ng malawak na living room ng tinutuluyan naming apartment dito sa New York. Napalingon ako sa aking apat

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   Sagad 140

    Tumagal ng halos isang oras ang sigawan nina Jace at Ymilio sa labas. Saka lang natigil nang may narinig akong umawat sa kanilang mga security guards.Dahan-dahan akong umalis mula sa pagkakasubsob sa unan at tiningnan ang kakabukas lang na pintuan. Pumasok si Donya Victoria. Magulo ang kaniyang buhok at halatang pagod na pagod ang kaniyang mukha. Agad siyang lumapit sa akin at naupo sa gilid ng aking kama, hinawakan ang nanginginig kong kamay."Nakaalis na sila, anak ko. Pinauwi ko muna si Ymilio at pinalabas na ng mga guard si Jace," mahina niyang saad, kalmado ang kaniyang boses pero halatang pinipilit niya lang ito. Kitang-kita ko rin ang lungkot at bigat sa kaniyang mga mata. "Pero Ika... kailangan kong malaman ang katotohanan."Hindi ako umimik pero muling nagsimulang manubig ang gilid ng mga mata ko."Totoo ba ang sinabi ni Ymilio?" tanong niya, may kaunting panginginig ang labi. "Si Jace ba talaga? Magpakatotoo ka kay Mama, pakiusap.""P-Patawad..." pagsuko ko. Umiling-iling a

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   Sagad 139

    "She's three weeks pregnant, Donya Victoria. Kaya normal lang ang nakikita ninyong matinding panghihina, pamumutla, at ang madalas niyang pagduduwal."Iyan ang mga salitang unt-unting gumising sa akin mula sa kawalan ng malay. Idinilat ko ang mga mata ko at ang maputing kisame ng isang pribadong kwarto sa ospital ang bumungad sa akin. Amoy na amoy ko rin ang gamot at antiseptic sa paligid. Bago ko pa man maigalaw ang aking katawan, narinig ko ang pagsinghap ni Donya Victoria sa aking tabi."D-Diyos ko..." mahinang usal nito. Paglingon ko sa kaniya ay nakita kong gulat siyang napatakip sa kaniyang bibig.Sunod kong nilingon ay ang doktor na kasalukuyang nag-aayos ng kaniyang stethoscope. "Doc... ano pong sinabi niyo?" nanginginig at halos walang boses kong tanong.Humarap sa akin ang doktor saka niya ako nginitian. "Gising ka na pala, Hija. Maupo ka muna nang dahan-dahan." Kahit ramdam ko ang kaunting pagkahilo ko, pinilit ko pa ring maupo saka sinandal ang likod sa unan. “Base sa bl

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   Sagad 138

    Mabilis akong napatakbo patungo sa pinakamalapit na lababo sa may dulo ng dining area. Napakapit ako sa gilid niyon habang walang tigil ang pagbaliktad ng sikmura ko. Napapikit ako sa tindi ng sakit, kasabay ng pait na gumuhit sa lalamunan ko. Suka lang ako nang suka, pero walang lumalabas kundi laway at asidong likido."Ika, anak ko!" bakas ang matinding taranta sa boses ni Donya Victoria. Mabilis siyang lumapit sa akin, hinawakan ang buhok ko para hindi ito humarang sa mukha ko, at marahang hinaplos ang likod ko. "Diyos ko, anak. Dinala ka na sa ospital noong isang araw dahil dito, 'di ba? Umupo ka muna, sandali.” Inalalayan niya ako pabalik sa upuan. Inabutan niya ako ng baso ng tubig na agad ko namang ininom para mahugasan ang pait sa bibig ko. Pagkatapos ay hinihingal akong napahawak sa aking tiyan."H-hindi po ako buntis," panghihina kong paliwanag, habang pilit na ibinabalik ang wisyo. "Gastritis po talaga ang sabi ng doktor..."Tumingin ako sa kaninang binabasa niyang dokumen

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   Sagad 137

    "Kuya! Sinaktan ako ni Ate kagabi! Sinampal niya ako, Kuya, at sinabunutan ng ilang beses!"Kung gulat na ako sa bigla niyang pagsulpot, mas lalo ito nadagdagan nang mapansin ko ang kaniyang hitsura. May malinaw at pulang marka ng sampal sa kaniyang kanang pisngi, gulo-gulo ang kaniyang buhok, at may kaunting gasgas pa ang kaniyang mukha malapit sa panga. Humagulgol siya bigla at patakbong lumapit sa gawi ni Ymilio saka ito mabilis na nagtago sa likod nito.Teka… anong nangyayari sa kaniya? At anong sinampal at sinabunutan ko siya? At bakit ganito ang hitsura niya? May iba ba siyang Ate na tinutukoy bukod sa akin? Kasi sa pagkakatanda ko, siya ang nanampal sa akin."Chelsea… anong—" “Huwag mo na i-deny, Ate!" paasik niyang putol agad sa akin, nakayakap na sa balakang ni Ymilio. "Kung hindi pa ako tumakbo paalis kagabi, baka napātay mo na ako!”Napātay??“Chelsea, seryoso ka ba?" sa wakas ay natagpuan ko na rin ang buo kong boses, kunot na kunot na ang noo kong nakatingin sa kaniya. “

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   Sagad 31

    Nang matapos ang huling malakas na pagputok ng fireworks, unt-unting binalot ng usok ang langit at dahan-dahang naglakad ang mga tao pabalik sa kani-kanilang mga daan. Nawala na ang kaninang ingay, at tanging ang malamig na simoy na lang ng hangin ang naiwan sa kinaroroonan naming deck.Mayamaya ay

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   Sagad 30

    Pagabi na pero tuloy lang kami sa paglalakad. Hanggang sa makarating kami sa pinakamataas na deck kung saan nagsisiksikan na ang mga tao. Nagtaka ako kung bakit tila may hinihintay silang lahat, nang biglang mamatay ang ilang malalaking ilaw sa paligid at napalitan ng isang malakas na tunog mula sa

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   Sagad 29

    Gulat pa rin ako habang hinihila niya ako. Noong una ay nagpatianod lang ako, pero nang mapansin kong pabalik na sa inn namin ang tinatahak naming daan ay bumwelo na ako para matigil siya sa paghila sa akin."T-teka lang po, Lord master!" pigil ko sa kaniya.Nakataas ang isang kilay niyang nilingon

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   Sagad 28

    "Sabi ko na nga ba, ikaw 'yan!" excited na lumapit si Luis sa pwesto namin habang may malawak na ngiti sa labi. "Grabe, Ika! Ang tagal nating hindi nagkita! Parang huling balita ko sa'yo, sa isang café ka nagtatrabaho, ah? Nagpatuloy ka ba sa pag-aaral?""Ah... hindi pa sa ngayon, Luis. Siguro ’pag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status