Hindi na mapakali sa pagkakatayo si Mr. Fuentes. Wala na ang ngiti sa mukha niya, at kahit pilit niyang pinananatiling kalmado ang sarili, halata kong hindi na niya alam kung saan niya ilalagay ang mga kamay niya.“What do you mean, sir?”Parang biglang nawala ang epekto ng alak sa kanya. Kanina, halos hindi niya maayos mabigkas ang mga salita niya, pero ngayon, bawat pantig ay malinaw. His eyes were wide, his breathing noticeably heavier, and a thin sheen of sweat had already formed across his forehead.Lucien didn't answer.Instead, he calmly reached for the folder from the man standing beside him. He opened it without hurry, as though he weren't standing in front of someone who was slowly losing his composure.“Seventy-nine million.”Saglit na lumaki ang mga mata ko. Kahit ang mga kasama ni Mr. Fuentes ay napatingin sa isa’t isa, halatang nagulat sa halagang narinig nila. Ilan sa kanila ang nagsimulang magbulungan, habang ang iba naman ay unti-unting umusog palayo sa kaniya, na par
最終更新日 : 2026-09-21 続きを読む