“Gurl, as in literal na gising ang buong city dahil sa balita! Swear, hindi ko in-expect na ganito ang plot twist,” bungad agad ni Yuzu pagkaupo na pagkaupo namin sa paborito naming pwesto sa corridor ng **Business Management building**.Katatapos lang ng bagyo kaya medyo malamig pa ang hangin, pero ang init ng tsismis sa paligid ay sapat na para magising ang buong building. Halos lahat ng madaanan naming kumpol ng mga estudyante, iisang topic lang ang pinag-uusapan. Pagkatapos ng halos isa’t kalahating buwan na pagkawala nina Cody, Niana, at Ellaine, bigla silang lumitaw kahapon.Sumandal ako sa pader at dahan-dahang ipinikit ang mga mata ko. Ang totoo, sobrang inaantok ako. Puyat ako kagabi dahil sa pakikinig sa mga plano nina Uncle Thad at Aodhan sa mansiyon. Wala akong paki sa mga naririnig ko ngayon, pero dahil sobrang ingay ni Yuzu at ng mga katabi naming table, parang radyong may sirang volume na pumasok pa rin ang usapan sa utak ko.“Hoy, Tanya, nakikinig ka ba?” kinalabit
Read more